No comments yet

An Experience We Will Never Forget.- Ptr Jerone Dayto

“Maraming salamat TORMII sa bumubuo ng ministeryong ito. Kami ay napagpala. Isa ito sa karanasan na hindi namin malilimutan habang kami ay nabubuhay na naglilingkod sa Diyos. Nakakapanibago sapagkat nasanay ako sa kalsada na nangangaral ng salita ng Diyos.  Kaya isa ito sa nakapagbigay sa amin ng relax at talagang kami ay na refresh physically, spiritually, emotionally, and mentally. Salamat dahil hindi namin akalain na may mga ganito palang mga tao na nakakaunawa sa sitwasyon ng mga lingkod ng Diyos. Nakaka-blessed kasi nakita namin ang effort ninyo hindi lang financially, materiality, pati  personally ay nakita namin at nadama namin ang inyong tunay na pagmamahal at pagmamalasakit sa mga lingkod ng Diyos na kagaya namin na pangarap na maranasan ang mga ganitong pagkakataon. Maraming salamat sa inyong lahat at patuloy kayong pagpalain ng Diyos. God Bless” – Pt. Jerone

“Una, nais kong pasalamatan ang Diyos sa kanyang katapatan at kabutihan sa aming buhay. Salamat sa napaka-yamang biyaya, habag at awa ng Panginoon sa aming mag-asawa kung bakit namin naranasan ngayon ang mga pabor at pagpapala niya para sa amin. Abot-abot ang aming pasasalamat sa Panginoong Hesus na kayo po ay ginamit niya sa aming mag-asawa. Ang TORMII (Times of Refreshing Ministries Int’l Inc.) upang kami ay marefresh at mapagpala. Kayo ang sagot sa aming mga panalangin sa Diyos na kami ay magkaroon ng mga bagay na nais naming maranasan at makamtan. Sa pamamagitan ninyo natupad lahat ang mga pinapangarap naming mag-asawa at  masayang-masaya po kami  dahil isa kami sa pinili ng Diyos para inyong pagpalain at nakita ko talagang walang imposible sa Diyos, kahit sino kaya niyang gamitin at hipuin para sa kanyang mga lingkod. Thank you so much TORMII family. Hinding-hindi namin malilimutan ito. “Dream come true ito sa buhay ko.” God bless sa inyong lahat nawa ay lalo pa kayong pagpalain at pagyamanin ng Diyos. “Thank you Jesus Christ”  Psalms 37:4.”- Ptr Ana Grace

Post a comment