
Pastor Marcing
“Ang nangyaring ito sa aming mag asawa ay isang magandang patotoo sa aming mga buhay na pina ranas niya kami ng ibang experience at gumamit ng tao, nang isang samahan (Times of Refreshing) ginamit niya ang ministry na ito upang maranasan namin ang mga bagay na naranasan namin now. Lalo ko naisip na mahalaga talaga ang paglilingkod sa Diyos. Naiiyak ako sa kabutihan ng Diyos sa aming mag asawa at hindi namin malilimutan ang nangyaring ito sa amin, gumamit siya ng mga tao na kapatiran na talagang kapatid, kapuso, kapamilya, kabarkada. Experience na naranasan hindi lindol, hindi bagyo, hindi tsumani, hindi sama ng loob. Naranasan namin ang pagmamahal ng kapwa namin na nasa pamilya ng Dios. Ang kanilang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay. Punong-puno ng kagalakan ang aming puso, lagi kayo sa aming isipan. Di namin malilimutan ang ministry na ito.”
























Sister Carmen
“Una sa Diyos ang pasasalamat at sa mga bagay na aming naranasan. Alam ng Diyos ang puso ko, nasa isip ko. Lagi nasa mission ang asawa ko at hindi ako kasama ako ang maiiwan sa church, nananalangin ako sa Diyos na nawa kami ay mag bonding yong kami lang at nangyari ito na may kasama pang baha ng pagpapala at ginamit ang mga kapatiran ng Times of Refreshing. Simpleng pangarap na natupad yung aking galak sa puso. Salamat sa inyong ministry na inyong ginagawa ay pasayahin ang asawa ng Pastor. Pagpalain kayo ng Diyos.”
Comment(1)
Desilyn L Cabangbang says:
February 25, 2022 at 10:44 amIt’s GOD’S amazing work