
“Una po sa lahat, nagpapasalamat ako sa Lord dahil sa naging extension kayo ng pag-ibig at katapatan ng ating Panginoon. Sa tatlong araw ng refreshing ay higit kong naramdaman ang katapatan ng Dios para sa amin. Sa unang araw pa lang sa ating pagkikita ay dama ko na agad ang katapatang iyon. Hindi lang sa materyal na bagay ang kahulugan ng katapatang iyon kundi sa pagpapadama ninyo sa aming mag-asawa ng kahalagahan bilang mga lingkod ng Dios. Kayo po ay isang malaking pagpapala para sa amin. Ang TORMII ay galing sa puso ng Dios. Upang higit niyang maipadama ang kahalagahan ng isang lingkod ng Dios. “Mabuhay po kayong lahat”
Hebreo 6:10 “Sapagkat makatarungan ang Dios, hindi niya kalilimutan ang inyong ginawa at ang pag-ibig na inyong ipinakita sa paglilingkod sa mga banal alang-alang sa kanyang pangalan, ito ay patuloy ninyong ginagawa hanggang sa ngayon. “
Message from: Ptr Vicente “Jhun” Prudencio
“Salamat po dahil sa tagal at haba ng aming sakripisyo sa paglilingkod na puno ng pagtitiis, tunay nga pong buhay ang ating Panginoon sa pamamagitan ng inyong mga buhay. Nawa ay higit pa kayong kasangkapanin ng ating Panginoon para sa kanyang mga tapat na lingkod upang maipadama ang higit niyang pagkalinga. Salamat po sa pagmamahal at pagmamalasakit sa amin. Kayo ay daluyan ng pag-ibig ng Dios para sa amin. Salamat kayo ang katunayan na ang Dios ay hindi nagbabago noon, ngayon, at kailanman. Shalom! “
Message from: Sis Azucena “Siony” Prucencio